ANG BUHAY SA TUNAY NA MUNDO…
September 14th, 2009 by bsem-pazawayanu nga ba ang nag aantay samin sa labas ng sintang paaralan??matapos ang matagal na panahon ng pamumuhay sa isang mala entabladong mundo ng kasiyahan,kaaliwan at tagumpay,panu nga namin haharapin ang mundo ng realidad??
haay maxadong madrama…anu na nga ba ang nangyari sa mga sumunod na kabanata…sa paghihiwalay ng aming mga landas,,iba’t ibang pangyayari sa buhay ang aming nasaksihan…ang ilan sa amin ay pinalad na magkaron na agad ng trabaho..ang mga di sinasadyang alagad ni manny villar..sila ay gumamit ng ST,,sipag at tiyaga..napunta sa magandang kumpanya,,nakatungtong sa magandang posisyon at kumita ng limpak limpak na salapi..(nga ba??!!)..ang mga pinalad na ito ay masasabing natagpuan na ang kakuntentuhan sa larangan ng trabaho..ang ilan naman ay napilitan pairalin ang kanilang praktikalidad..mas inicp ang halaga ng kikitain kesa mkamtan ang tunay na ninanais sa buhay..ito marahil ay dulot ng matinding kagipitan at pihadong sila ang inaahasan ng kani-kanilang pamilya..ang ilan naman ay gnagamit lamang ang kanilang trabaho ngaun bilang hakbang sa pag-abot ng tugatog ng tagumpay..nag-uumpisa lamang sa mababa ngunit di maglalaon ay isa ring titingalaing tala..ang ilan naman ay patuloy na dinaragdagan pa ang kanilang kaalaman at hanggang ngaun ay nag aaral pa..at sa kabila ng pag-aaral ay naging isa pang “politisyans’!! karir nga naman..ang ilan naman ay patuloy na nakikibaka sa hirap ng buhay..ang hirap ng paghahanap ng trabaho..parang ilang dekada na ang nakakalipas ay hirap pa ring makatanggap ng matamis na oo ng mga kumpanya..ubos na ang pamasahe,resume, candy at ang baong tubig,wala pa ding nangyayari..kung anu anung exam at interview na ang nasalangan ay mga bigo pa rin..kelan nga ba dadating ang minimithing trabaho..minsan sa sobrang dismaya ay kung anu anu na lang ang naiisip..sana may matandang madapa sa harap namin at buong puso namin itong tutulungan sa huli’y xa pala ay may ari ng isang kumpanya at kami ay ipapasok na din..o kaya naman ay sana may isang batang mawawala at tutulungan namin itong hanapin ang kanyang mga magulang na di namin alam ay isa palang may ari ng isang kompanya at kami rin ay kanilang tutulungan bilang ganti…mga kalokohang pinangpapawi na lang namin saming mga pusong sawi..mga pusong desperado nang makatulong sa pamilya at mapunan ang sariling pangangailangan…desperadong minsay payuko na lamang naglalakad sa pagbabakasakaling makapulot ng pera o di kayay maisipan na lamang tumaya sa lotto o sumali sa eat bulaga at wowowee…ang iba naman sa amin ay hanggang ngaun ay nagpapakasaya pa sa sustento ng mga magulang at nalulunod pa sa mahabang bakaxon…na tinatawag ding mga tambay…
iba iba mang kaganapan sa buhay isa lamang ang aming naunawaan…na ngaun pa lang kami humaharap sa totoong pagsubok ng buhay..na hindi kami pde umasa sa isang comerxal ng fita na tumulong lamang sa isang fairy ay matutupad na ang ninanais sa buhay…nakita naming importante sa lahat ang pagsisipag at pagtityaga..yan ang unang unang panlaban sa buhay…punong puno ng kompetisyon ang mundong ito kaya kailangan mong makipagsabayan,,kung tutulog tulog ka tiyak na ikaw ay mapag iiwanan..dito rin namin nakita ang hlaga ng pera…kung noo’y grabe kami magwaldas ng pera ngaun ay sobrang tipid ang kelangan naming gawin..dahil mahirap kitain ang pera..kelangan mong maging masinop sa paggamit nito..higit sa lahat…importante ang edukasyon…namis namin ang mga panahong kami ay nag aaral(dahil na rin sa allowance)dahil sa mga tanung sa exam at interview na sana ay nasagot namin kung naking lamang kami sa aming mga propesor at pumasok araw araw…ang paaralan nga ang ‘training ground’ para sa pag labas sa tinuring na entablado…dahil ang mga natututuhan natin dito ay matinding sandatang panlaban natin sa tunay na mundo..